Batangas City CRO, Outstanding Local Civil Registry Office sa CALABARZON

  1.jpg 2.jpg

Ginawaran ng plaque of recognition ng Philippine Statistics Authority (PSA) Region IV-A CALABARZON ang Batangas City Civil Registrar's Office (CRO) bilang Outstanding Local Civil Registry sa dalawang magkasunod na taon, 2018-2019.

Ang nasabing tanggapan ay 1st place bilang Outstanding Local Civil Registry sa Super Extra Large Category para taong 2018 at 2019 at 2nd placer naman noong 2020. Kinikilala ng PSA ang mahusay na implementasyon ng mga programa ng CRO at ang maayos at on-time na pagsusumite nito ng buwanang report.

Ang plake at sertipiko ay tinanggap ni City Civil Registrar Josephine Maranan sa idinaos na Annual Meeting and General Assembly of CALABARZON Local Civil Registrars and PSA RSSO IV-A sa Lipa City noong October 15. (PIO Batangas City)