Libreng pagpapatitulo ng lupa, handog ng pamahalaang lungsod

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

May 17 lot owners mula sa ibat-ibang barangay sa lungsod ang nakinabang sa libreng pagpapatitulo ng lupa sa ilalim ng "Mas Pinalawak na programa ng Handog Titulo ni Mayor Beverley Dimacuha sa mga Batangueno" October 15.

Taong 2014 nang simulang ipatupad ng pamahalaang lungsod sa pamamagaitan ng City Environment Office (City ENRO) ang naturang programa alinsunod sa Republic Act 10023 o The Act Authorizing the Issuance of Free Patents to Residential Lands.

Isa ang Batangas City sa may best practices sa land management at isa sa ilan lamang na local government units (LGU) na nagpapatupad nito. Binigyang diin ni Mayor Dimacuha sa kanyang mensahe na sana ay mabigyang halaga ng mga beneficiaries ang hawak nilang mga titulo.

“Huwag sana ninyong gamitin na pang prenda o kolateral ang inyong mga titulo, bagkus ay pagyamanin at ingatan ninyo dahil yan ay mahalagang pamana na maaari ninyong iwan sa inyong mga anak,” sabi ni Mayor.

Sinabi naman ng hepe ng City Environment Office na si Oliver Gonzales na mas pinalawak ang nasabing programa sapagkat bukod sa pagpapatitulo ng lupa, ang kanilang opisina na rin ang nagsasagawa ng libreng survey ng mga lote at nagpoproseso ng iba pang mga requirements. (PIO Batangas)