Koleksyon ng buwis, tumaas

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg

Tumaas ang koleksyon ng business taxes ng pamahalaang lungsod ng 112.58% ayon sa quarterly report ng City Treasurer's Office (CTO). Mula sa target na P 632,247,313, nakakolekta ang CTO ng P711,813,224.

Para sa fees and charges, nakakolekta na ang nabanggit na tanggapan ng P 117, 939,726.12 Umaasa sila na bago matapos ang taon ay mahihigitan ang target na P121,775,022. Umakyat naman ng 119.92% o P9,063,006.76 ang koleksyon ng Economic Enterprises ng lungsod.

Mula sa target na P45,498,184 ngayong taon, nakakolekta ang CTO ng halagang P54,561,190.76. Inaasahan din ng CTO na mame-meet nito ang target para sa Real Property Tax (RPT).

Sa kasalukuyan may kabuuang P752,495,616 na ang nakokolekta sa target na P763,097,814. Ayon kay OIC City Treasurer Arminda Madayag, malaki ang itinaas ng mga naturang koleksyon dahil sa maagap na pagbabayad ng mga industries at mga establishments sa lungsod.

“Bagamat hindi pa tapos ang taon, masasabi natin na maganda ang resulta ng annual collection ng buwis ng pamahalaang lungsod sa kabila ng pandemya” ayon kay Madayag. (PIO Batangas City)