Mobile kitchen bumisita sa barangay Calicanto

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Sa ikapitong pagkakataong pagbisita ng mobile kitchen ng pamahalaang lungsod, mga higit na nangangailangang pamilya naman ng barangay Calicanto ang nakinabang sa hot meals ngayong araw, July 15.

Ang nasabing proyekto ay inilunsad noong Mayo sa hangarin ni Mayor Beverley Dimacuha na makapaghatid ng tulong sa mga residente ng ibat-ibang barangay ngayong panahon ng pandemya.

Ang mga benepisyaryo ay tinukoy ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at ng pamunuan ng barangay kung saan may 500 pamilya mula sa anim na sitio ng barangay ang nakinabang.

Ang Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) ang naghanda ng pagkain habang namigay naman face masks ang mga staff ng Mayor’s Action Center (MAC).

Magkatulong ang EBDMT monitoring team at barangay officials ng Calicanto sa pagpapatupad ng health and safety protocols sa distribusyon ng pagkain. (PIO Batangas City)