Edad 99 na lola, pinakamatandang nabakunahan ng COVID-19 vaccine sa Batangas City

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg

Ang 99 taong gulang na senior citizen mula barangay Balete na si Francisca Macatangay-Gonzales ang pinakamatandang residente ng lungsod na nabigyan ng COVID-19 vaccine, June 5.

Ayon sa kanyang apo na si Dr. Liza Gonzales, hindi nagdalawang isip ang kanyang lola na magpabakuna dahil alam niya ang proteksyong maidudulot nito. “Agad syang pumayag na mabigyan ng COVID-19 vaccine nung tinanong naming siya, malinaw pa ang kanyang pag-iisip at malinaw pa ang kanyang paningin” sabi ni Dr. Gonzales.

Binigyang diin niya na ang mga senior citizens ay kabilang sa vulnerable population na mataas ang risk na magkaroon ng malubhang kumplikasyon ng COVID-19 kung kayat prayoridad ng pamahalaan na mabigyan sila ng bakuna.

Kaugnay nito, patuloy na hinihikayat ng pamahalaang lungsod ang mga senior citizens na magparegister online o magpatala sa kanilang barangay upang mabakunahan. Patuloy ang isinasagawang vaccination ng City Health Office (CHO) para sa mga ito na nasa A2 group na sinimulan noong ika-22 ng Mayo. (PIO Batangas City)