Suportang pang- edukasyon para sa mga kabataan ng lungsod, kaloob ng SK Federation

  1.jpg 10.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Namahagi ng mga prepaid wifi, printers at bond papers ang Sangguniang Kabataan (SK) Federation ng Batangas City sa SK council ng 105 barangay ng lungsod.

Ayon kay SK Federation President, Marjorie Manalo, ito ay bahagi ng “Suportang Kabataan Para sa Kinabukasan” program na naglalayong matagunan ang kakulangan sa mga educational resources lalo ngayong ipinatutudad ang blended learning system. “Hangad ng SK Federation na sa pamamagitan ng prepaid wifi ay magkaroon ng internet access ang mga mag-aaral upang makapag research at makasabay sila sa online classes habang ang printer at bond papers naman ay para sa kanilang printing services,” sabi ni Manalo.

Ang distribution ay isinagawa by cluster noong March 25-29 sa pakikipag-ugnayan sa Local Youth Developmment Office. Nauna rito ay namahagi rin ang SK Federation ng mga face mask at face shield sa mga kabataan ng lungsod sa ilalim pa rin ng nasabing programa.(PIO Batangas City)