Kabayanihan ng mga myembro ng WASAR Team ng lungsod, kinilala

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg

Ginawaran ng certificate of commendation ni Mayor Beverley Rose Dimacuha ang limang miyembro ng Batangas City Rescue Team na tumulong sa rescue operation sa Marikina City nang lumubog sa baha ang naturang syudad sanhi ng bagyong Ulysses noong November 12.

Iginawad ni Mayor Dimacuha ang naturang certificate, November 23, kina Pascual Campang, Reynaldo Bongon at RoldanVillena ng City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) at sa dalawang kawani mula sa General Services Department (GSD) na sina Alex Cena at Wilfredo Torino.

Nakasaad sa nasabing certificate ang pagkilala at pagpapahalaga sa kagitingan at dedikasyon ng mga rescuers sa pagganap ng kanilang tungkulin bilang mga miyembro ng Water Search and Rescue (WASAR) team ng pamahalaang lungsod ng Batangas. (PIO Batangas City)