Paggamit ng QP, tinanggal na

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

Tinanggal na ng pamahalaang lungsod ng Batangas ang paggamit ng quarantine pass (QP) tuwing lalabas ng bahay alinsunod sa Executive Order No. 48 na ipinalabas ni Mayor Beverley Dimacuha, November 17.

Layunin nito na makatulong sa muling pagbangon ng ekonomiya ng bansa na pinabagsak ng COVID19 pandemic. Magugunita na ipinatupad sa lungsod ang paggamit ng QP noong May 15 hanggang sa kasalukuyan kaalinsabay ng pagsailalim sa Batangas City sa general community quarantine (GCQ).

Ayon sa Department of Health (DOH), bumaba na ang kaso ng mga nagpopositibo sa virus habang patuloy naman ang pagtaas ng bilang ng mga recoveries.

Kaugnay nito, ang lahat ay tinatagubilinan pa din na istriktong sumunod sa minimum health and safety protocols kagaya ng pagsusuot ng face mask tuwing lalabas ng bahay, paggamit ng face shield, paghuhugas o sanitizing ng kamay at social distancing. Bawal pa din ang large social gatherings. (PIO Batangas City)