TINGNI: Mga rekomendasyon para sa epektibong disaster preparedness ng lungsod, tinalakay

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Ang pagsasagawa ng regular inspection ng mga drainage, canal at iba pang daluyan ng tubig upang matiyak na walang bara na maaaring maging sanhi ng pagbaha ang isa sa mga naging rekomendasyon sa isinagawang Post Disaster Assessment Meeting ng City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC) sa pangunguna ng Chairperson nito na si Mayor Beverley Dimacuha, November 13.

Kabilang din sa nasabing mga rekomendasyon ang pagreview ng council sa comprehensive drainage plan ng lungsod gayundin ang pag-aaral sa pinaka cost efficient at effective slope protection na maaaring gamitin. Kaagad ipinag-utos ni Mayor Dimacuha na bigyang prayoridad ito ng council para sa epektibong disaster preparedness ng lungsod.

Tinalakay din sa pagpupulong ang mga naging pinsala ng bagyong Ulysses kung saan ayon sa report ng CDRRMC, may 519 pamilya na binubuo ng 1,669 indibidwal ang inilikas at pansamantalang tumigil sa may 13 evacuation centers ng lungsod. 33 pamilya na may 109 katao na lamang ang nasa Libjo Elementary school-evacuation center sa kasalukuyan. 15 barangay ang naibalik na ang suplay ng kuryente mula sa 21 barangays na nawalan ng kuryente noong kasagsagan ng bagyo.

Mabilis ring naisagawa ng CDRRMC, barangay officials at mga residente ang clearing operation sa mga barangay na naapektuhan ng landslide/mudslide tulad Dela Paz Pulot Aplaya, Mabacong gayundin ng landslide/mudslide sa Ilijan at Pagkilatan.

Ilang imprastraktura naman ang napinsala sa barangay Talahib Pandayan dahil sa mabilis na pag-apaw ng tubig ng ilog dito. Sa kabila nito, mabilis na naisagawa ang relief distribution sa mga evacuation centers at ilan pang apektadong lugar. (PIO Batangas City) )