Winter Holiday Display, inilunsad ng SM City Batangas

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg

Winter Holiday ang tema ng Christmas launch ngayong taon ng SM City Batangas na isinagawa sa kanilang atrium, November 8. Ayon kay SM City Batangas Mall Manager Gemina Buenaflor, bagamat nakakapanibago na walang mga bata at hindi kumpleto ang mga myembro ng pamilya na nanood ng naturang paglulunsad, hangad pa din nila na mabigyan ng kasiyahan ang lahat sa pamamagitan ng ibat-ibang gawain na kanilang inihanda.

“Even as it is a challenging year, we want to bring you joy – from beautiful Christmas tree centerpieces to holiday discounts and new online shopping experiences because in our malls and in your homes, SM wants to be a part of your Christmas Joy,” sabi ni Buenaflor Bilang bahagi ng kanilang kampanyang #ShareHopeWithSM, bibigyan ng pagkakataon ang mga Batangueno na makapagnominate ng frontliner na nagpakita ng dedication, commitment at heroism sa pagganap ng kanilang trabaho. Ang mapipili ay makakatanggap ng gift certificates.

Itatampok ang mga local products at businesses sa Christmas market ngayong Nobyembre sa Kasama ng SM campaign bilang pagsuporta sa mga micro, small at medium enterprises na bahagi ng Buy Local, Go Local campaign ng Department of Trade and Industry (DTI). Patuloy pa din ang kanilang proyekto na naglalayong makapagpaligaya ng isang batang kapuspalad sa pamamagitan ng pagtangkilik sa SM’s “Bears of Joy Program” kung saan sa halagang P200 ay makakabili ng dalawang teddy bears na ang isa ay ibibigay sa community charity.

May 60,000 bata na ang tumanggap ng regalo mula sa Bears of Joy mula nang ito ay sinimulan noong 2011. Nagtanghal din ang mga local talents na sina Zara Josiah Dimaano, WishFM 107.5 qualifier, Bryan Roy Flores, Kumu App star / Palabas Tayo Wishlist runner up at si Marigelle Aguda, ABSCBN’s Showtime Tawag ng Tanghalan Year 4 Quarter Finalist / Cornerstone Entertainment Vocalympics Season 1 Grand Champion.

Ang okasyon ay dinaluhan nila Board Member Claudette Alday, Vanessa Palas na kinatawan ni Mayor Beverley Rose Dimacuha at ang mga lokal na mamamahayag. Kaalinsabay ng paglulunsad ng Winter Holiday Christmas theme sa SM City Batangas ay ang launching ng Whimsical Glitzy Christmas sa SM Center Lemery at Grand Christmas Ensemble sa SM City Lipa.

Samantala, binanggit ni Buenaflor na may 15,000 Operation Tulong Kalinga relief packs ang ipinagkaloob ng SM Foundation sa mga lubhang naapektuhan ng bagyong Rolly sa Bicol region habang nagsagawa din sila ng relief operation sa mga residente ng GK Village sa barangay Libjo, San Isidro at Tierra Verde Subdivision sa Pallocan West.

Binuksan din nila aniya ang mall sa kasagsagan ng bagyo sa mga naapektuhan ng baha kung saan humigit kumulang sa 30 indibidwal ang kanilang kinalinga at pinatuloy sa Event Center. (PIO Batangas City)