Dalawang bagong school buildings pinasinayaan

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Pinangunahan nina Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Mariño ang inaugural ceremony at blessing ng dalawang school buildings sa barangay Mahabang Dahilig, November 6. Ito ay ang Mayor Beverley Dimacuha SHS-type school building para sa senior high school students at ang Mayor Beverley Dimacuha elementary school building na parehong may dalawang palapag na tig- wawalong classrooms.

Ayon kay Mayor, labis ang kanyang katuwaan na sa kabila ng maraming hamon na dumating sa lalawigan ng Batangas ngayong taon, naiipatupad pa rin ng lungsod ang mga proyektong tulad nito. Binigyang diin niya na malaking pondo ang inilalaan ng pamahalaang lungsod sa edukasyon. “Ang aking ama na si dating Mayor Eddie Dimacuha ay produkto ng public schools, palagi niyang sinasabi noon na huwag pababayaan ang mga public schools kaya naman prayoridad ng aking administrasyon ang mga paaralan sa bukid at baybayin,” sabi ni Mayor.

Magandang balita rin aniya sa gitna ng pandemya, ang pagkakatanghal ng Batangas City bilang Most Lovable City in the World ng WWF We Love Cities campaign na lalong nagpaigting sa pagkakaisa ng mga Batangueno. “Nasaksihan ko ang malaking suporta ng DepEd family sa kampanyang ito na isang pagpapatunay na ang Batangas City government at DepEd family ay talagang magkatuwang,” dagdag pa niya.

Ibinalita naman ni Congressman Marvey Mariño na gumagawa na sila ng paraan upang mapabilis ang internet connection sa pamamagitan ng pagdadagdag ng mga cell sites at pag-i-install ng fiber optics ng mga internet provider na malaki ang maitutulong sa online classes ng mga estudyante. Ipinabatid din niya ang pangako ni Senator Bong Go na papalitan ang mga nasirang tablets ng mga mag-aaral gayundin ang pagtulong nito sa paghahanap ng mahigit P 700M na kakailanganing badyet para sa pagsasaayos ng nasirang bahagi ng Batangas Bay road.

Inaasahan na madadaanan na sa susunod na taon ang Startoll to Pinamucan by pass road kung saan nasa barangay Conde na ang konstruksyon nito. “Ipapaderetso na natin ang konstruksyon nito hanggang Simlong para may isa pang alternative road bukod sa baybayin,” sabi ni Cong Marino. Nakiisa sa nasabing okasyon si City Schools Superintendent , Dr . Zaldy Bolaños. (PIO Batangas City)