Skills training centers na compliant sa health protocols, muling nagbukas

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Bukas na ang ilang skills training center sa lungsod matapos itong mabisita ng EBD monitoring team/task force at masiguro na sumusunod ang mga ito sa required minimum health standards kontra COVID19.

Ayon kay EBDMT monitoring head, Mando Lazarte, katuwang ng pamahalaang lungsod ng Batangas ang TESDA na tiyaking compliant ang mga ito sa health and safety protocols para ligtas sa virus ang kanilang mga mag-aaral.

Sinabi rin ni Lazarte, nagsisimula ng muli ng operasyon ang mga training centers na nabigyan na nila ng certificate of compliance. Ang iba aniya ay nagkukumpleto pa ng mga requirements samantalang may ilang center pa rin ang nakatakdang bisitahin ng kanilang grupo sa mga susunod na araw. (PIO Batangas City)