Physical at mental health ng mga kabataan, prayoridad ng Batangas City government

  1.jpg 2.jpg 3.jpg

Isa sa mga major projects ng pamahalaang lungsod ng Batangas ang Early Childhood Care and Development Program na ipinatutupad ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).

Ngayong panahon ng pandemya, hindi magiging face-to-face ang pag-aaral sa pagbubukas ng klase sa October 5 bilang pangangalaga sa kapakanan at kalusugan ng mga mag-aaral.

Dahil dito, nagsasagawa ang mga day care workers ng orientation sa ibat-ibang Child Development Centers (CDC) upang talakayin sa mga magulang ang early education, health care at social services na ipagkakaloob sa mga bata bago sila pumasok ng formal education sa elementary.

Kaugnay nito, hiniling ni Mayor Beverley Rose Dimacuha na maging katuwang ng mga day care workers ang mga magulang upang makamit ang ultimate goal na magpaglaanan ang kanilang mga anak ng panghabambuhay na pundasyon sa pag-aaral.

Sila ang magiging gabay sa pag-aaral ng mga daycare children sa kani-kanilang tahanan. Ang mga magulang ang pupunta sa center upang turuan ng mga daycare workers ng ibat-ibang aralin.

Magbibigay din ng modules at printed materials upang magamit ng mga bata.

May 4000 ang bilang ng enrolees sa 107 day care centers ng lungsod ngayong taon. (PIO Batangas City)