CLB, kinilala ng CHED

  1.jpg 2.jpg

Isa ng recognized higher education institution ang Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB) matapos aprubahan ng Commission on Higher Education (CHED) ang application nito sa idinaos na commission en banc meeting noong March 24.

Ayon kay Dr. Lorna Gappi, CLB President, natanggap niya ang sulat ni CHED Regional Office IV Director IV, Amelia Biglete na may petsang August 6.

Nakasaad dito na nakasunod ang CLB sa mga requirements para sa institutional recognition and operation of local universities and colleges alinsunod sa CMO 32. S.2006 o Policies Standards and Guidelines on the Establishments and Operation of Local Colleges and Universities.

Sinabi ni Dr. Gappi na isa itong malaking accomplishment para sa CLB dahil madaming requirements at mahirap ang proseso para sa nasabing recognition.

“Sa 107 Local Universities and Colleges (LUCs) ay wala pang 50 ang kinilala”, dagdag pa ni Gappi.

Patunay din aniya ito na compliant ang CLB sa standard ng CHED at de kalidad na edukasyon ang ipinagkakaloob nito sa mga mag-aaral. Ayon pa rin kay Dr. Gappi nauna ng na-recognize ng CHED ang mga programs at courses ng CLB.

Nakatakda ding sumailalim sa accreditation ng Association of Local Colleges and Universities Commission on Accreditation (ALCUCOA) ang CLB sa September 30, -October 2, 2020.

Samantala, nagsimula na ang blended o flexible learning mode-classes ng CLB, August 10 para sa 954 na mag-aaral nito ngayong unang semester ng SY 2020-2021. (PIO Batangas City)