Pilot testing ng distance learning ng City Schools Division matagumpay

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg

Ibinalita ni OIC City Schools Superintendent Dr. Zaldy Bolanos na naging matagumpay ang isinagawa nilang simulation exercise ng implementation ng Learning Continuity Plan sa mga pilot schools sa Batangas City kasama na ang SPED noong isang linggo.

Sa ilalim ng Learning Continuity Plan ng Department of Education, nakapaloob ang mga Learning Delivery Modes na maaari nilang gamitin sa tinatawag na blended learning kung saan ito ay ipatutupad sa pagbubukas ng klase sa August 24

Bukod sa online learning, gagamitin rin ang mga self-learning modules, TV at radio sa pag-aaral ng mga estudyante.

Ang mga asignatura ay ibibigay sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng USB flash drive at printed materials. 1:1 aniya ang module-pupil ratio. Sinabi ni Dr. Bolanos na nagsisimula na ang reproduction ng mga ito at ang mga paaralan na ang bahalang magdistribute sa kanilang mga mag-aaral.

Magiging available ang mga printed materials na gagamitin ng mga mag-aaral isang linggo bago ang pagsisimula ng klase sa Agosto. Sumailalim sa pagsasanay sa pamamagitan ng mga webinars ang mga guro kung kayat handa na aniya ang mga ito sa pagsisimula ng klase. Magiging katuwang ang mga magulang o guardians ng mga estudyante habang ipinatutupad ang Distance Learning. Sila aniya ang magiging gabay (facilitator) ng mga learners upang maging posible ang patuloy na edukasyon.

Ayon sa tala ng Dep Ed, may 62,757 ang kabuuang bilang ng mga kabataang nag enrol sa mga pampublikong paaralan sa lungsod ngayong school year. May 37, 652 enrolees sa elementarya, 19, 702 sa Junior HS at 5403 na Senior HS. (PIO Batangas City)