Pagpapatupad ng no to plastic pinaigting

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg

Ipinapaalaala ng pamahalaang lungsod ng Batangas na may kaukulang multa at parusa ang mga sumusuway sa No to plastic policy alinsunod sa Batangas City Environment Code.

Kaugnay nito, pinangunahan nina City Market Administrator Loyola Bagui at City Environment and Natural Resources Officer (CENRO), Oliver Gozales ang orientation briefing para sa istriktong pagpapatupad ng No to Plastic Policy bago isinagawa ng team ang monitoring at enforcement ng nasabing policy sa Markets 1, 2 at 3 ( Luma at Bagong Palengke), August 4.

Ang mga magtitinda at mamimili na nahuling gumagamit ng plastic ay binigyan ng citation ticket para sa kaukulang multa na P1,500 sa first offense at P5,000 at pagkansela ng business permit para sa second offense. Ipapasara na ang business establishment kapag nagpatuloy pa ang paglabag. Muling tumutok ang enforcement team sa panghuhuli ng mga lumalabag noong August 1, matapos ang tatlong linggong muling pag-aanunsyo tungkol sa polisiya.

Samantala, sinita rin ng monitoring team ang mga magtitindang iligal na nakapwesto sa harap ng mga stalls sa mga palengke upang huwag silang nakakaabala sa daanan ng mga mamimili. (PIO Batangas City)