Department of Agriculture namigay ng mga alagaing manok sa mga farmers bilang tulong kabuhayan

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg

May 11 miyembro ng Batangas City Agriculture and Fisheries Committee ang pinagkalooban ng tig 50 broiler chicks ng Department of Agriculture ( DA) nitong July 28 sa Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) bilang tulong kabuhayan sa pamamagitan ng pagmamanokan.

Ayon Kay Dr. Mac Hornilla, hepe ng OCVAS, ang mga nasabing broiler chicks ay aalagaan sa loob ng 38 days at pagkatapos maipagbili ay inaasahang makakabili ulit ang beneficiary ng sisiw para dire diretso ang pag aalaga ng mga ito. May kasama ding libreng patuka o feeds at bahayan ang mga ipinamahaging mga sisiw.

Samantala, patuloy pa din ang pamamahagi ng OCVAS ng mga libreng seedlings sa mga barangay na nagsasagawa ng urban gardening. Nagbibigay din sila ng lecture sa tamang pagtatanim ng mga halaman.

Sa ngayon ay meron silang tie up sa DepEd upang mabigyan ng karagdagang kaalaman sa paghahalaman ang mga paaralan.

Ayon kay Dr. Hornilla, natutuwa sila at maraming nahihilig mag halaman sa panahong ito na may pandemya. Ibinalita din niya na nagkaloob ang DA sa mga full scale- farmers ng P25,000 loan assistance na maaaring bayaran sa loob ng 10 taon at scholarship naman mula sa Agriculture Training Institute sa mga nais kumuha ng mga kursong pang agrikultura. (PIO, Batangas City)