Bagong rescue equipment gagamitin sa panahon ng kalamidad

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Itinurn-over nina Mayor Beverley Dimacuha at Cong. Marvey Mariño ang tatlong units ng disaster rescue and heavy equipment kina City Engineer Adela Hernandez at General Services Officer Jocelyn Cantre upang gamitin ng kanilang opisina sa pagtugon sa mga kalamidad lalo na ngayong panahon na naman ng tag-ulan at bagyo.

Ang City Engineer's Office (CEO) at General Services Dept. (GSD) ay kapwa miyembro ng City Disaster Risk Reduction Management (CDRRM) Council.

Layunin ni Mayor Dimacuha na higit na mapalakas ang kahandaan at kapasidad ng Batangas City sa mga kalamidad, aksidente at anumang emergency.