Batangas Rotary Club nagbigay ng garbage bins sa ilang barangay

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

Nagbigay ng tatlong sets ng garbage bins ang Rotary Club of Batangas 3820 sa mga barangay Libjo , Kumintang Ibaba at Gulod na isa sa mga huling proyekto ng administrasyon ni outgoing President Mar Contreras at program chair nito, Aleth Lazarte.

Ang mga garbage bins na ito ay color coded kung saan ang green ay para sa biodegradable, blue ay non-biodegradable at yellow para sa mga infectious wastes tulad ng face masks, gloves at personal protective equipment (PPEs).

Layunin ng proyektong ito na makatulong sa programa ng pamahalaang lungsod ng Batangas sa waste segregation. Isa rin itong precautionary measure laban sa covid sa pamamagitan ng tamang garbage disposal lalo na ng mga hazardous at infectious wastes (PIO Batangas City) (PIO Batangas City)