Apat na hog raisers sinilbihan ng citation ticket sa paglabag sa E Code

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

Sinilbihan na ng citation ticket ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ang apat na hog raisers sa barangay Talumpok East, Batangas City dahil sa kawalan ng septic tank para sa dumi ng mga alagang baboy at iba pang wastes na isang paglabag sa Batangas City Environment Code at Clean Water Act of 2004.

Nakasaad sa Article 14- Agriculture and Agricultural Management- ng Batangas City Environment Code ,ang livestock at poultry raisers ay kailangang magpagawa ng septic tank at water treatment facilities upang maiwasan ang polusyon ng surface at ground water tulad ng ilog, canal at creek.

Nakapaloob naman sa Philippine Clean Water Act 2004 na ipinagbabawal ang pagdi-discharge ng pollutants kagaya ng dumi ng baboy sa kagaratan, ilog, sapa at iba pa.

Bago isinilbi ang citation ticket, nakipagpulong muna ang hepe ng CENRO na si Oliver Gonzales kasama si City Legal Officer Teodulfo Deguito sa mga opisyal ng may siyam na konsernadong barangay, kabilang ang Talumpok East noong September 16, 2019 kung saan tinalakay ang nasabing batas. Kasunod nito ay isinilbi din ng CENRO ang notice of violation para sa mga patuloy na lumalabag sa nasabing batas.(PIO Batangas CITY)