Real estate developers dapat maglaan ng proyekto sa socialized housing

  1.jpg 2.jpg 3.jpg

Sa regular session ng Sangguniang Panlungsod ng Batangas, February 4, inihain ni Coun. Karlos Buted ang isang resolusyon na nanawagan sa mga real estate developers sa lungsod na mahigpit na sumunod sa batas patungkol sa pagsasagawa ng socialized housing upang matugunan ang pangangailangan sa pabahay ng mga low-income sectors.

Nakasaad sa Republic Act No. 7279 o An Act to Provide for a Comprehensive and Continuing Urban Development and Housing Program, Establish the Mechanism for its Implementation and for other Purposes, na dapat maglaan ang mga real estate developers sa isang local government unit ng at least 15% ng mga proyekto nito sa socialized housing.

Ayon kay Councilor Aileen Montalbo, nararapat lamang na ang “10% socialized housing” ay itayo sa lungsod upang ang mga residente dito ang makinabang imbes na ilagay ito sa ibang lugar.

Binanggit ni Councilor Gerry dela Roca na may socialized housing sa lungsod ang ASTRA Developing Corp. sa parte ng Mercedes Homes sa brgy. Soro soro.

Ayon kay Atty. Alyssa Cruz Atienza, kabilang ang socialized housing sa executive agenda ni Mayor Beverley Dimacuha kung kayat mahalagang masuportahan ito ng mga real estate developers.

Samantala, inihain naman ni Coun. Nitoy Pastor ang resolusyon na magkaroon ng karagdagang pedestrian lanes sa mga strategic na lugar sa kabayanan at mapinatahan ang mga malabo ng pedestrian lanes.

Sinabi naman ni Coun. Julian Villena na pag aralang mabuti kung sakaling magdadagdag ng pedestrian lanes upang masigurong hindi ito magiging sanhi ng problema sa trapiko. (PIO Batangas City)