BC mataas ang rank sa climate change management sa Southeast Asia

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg

Isa ang Batangas City sa Southeast Asia na may mataas na rank sa climate change management dahilan sa naiintindihan nito ang panganib ng climate change at nagpapatupad ng mga programa upang maka adapt at mabawasan ang negatibong epekto nito. Patuloy din itong nakikipagtulungan sa mga “key stakeholders” sa pagkakaron ng mga adaptation at mitigation plans.

Dahil dito, binigyan ng commendation o papuri ng Sangguniang Panlungsod ang Batangas City Environment and Natural Resources Office (City ENRO) dahilan sa mahusay na pagpapatupad nito ng mga programang tumutugon sa climate change.

Nakapaloob sa Resolution No. 436 S. 2019 ang pagkilala sa City ENRO dahilan sa ang Batangas City ang isa sa 15 lungsod sa Southeast Asian Region at Oceania at bahagi ng 70 sa 800 lungsod sa buong mundo, na nakakuha ng overall score na “B” sa Management.

Ayon pa sa resolusyon, mahusay na naiipatupad ng CENRO ang naturang mga programa dahil na rin sa mahusay na liderato ni Mayor Beverley Dimacuha at suporta ni Congressman Marvey Mariño. Ang achievements ng CENRO ay nagsisilbing inspirasyon at humihikayat sa iba pang ahensya at indibidwal para makipagtulungan upang matugunan ang suliranin sa climate change. (Batatangas City PIO)