Bb. Lungsod ng Batangas 2020 candidates ipinakilala sa publiko

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg

Pormal na ipinakilala sa publiko ang 20 naggagandahang kandidata sa Bb Lungsod ng Batangas 2020 sa pamamagitan ng isang motorcade sa loob ng poblacion, December 27.

Ang mga ito ay sina: Myzel Angelu Milagrosa ng barangay Pallocan East, Charisse Anthea Abanico ng Barangay 2, Airah Lyn Arroyo ng Libjo, Krizzel Khayla Claveria ng barangay Kumintang Ilaya, Venus Alexis Abel ng Alangilan, Maria Angela Claveria mula sa San Isidro, Sofhia Nicole Endrinal ng Barangay 5, Andrea Isabel Gutierrez mula sa Barangay 21, Maryjane Atienza buhat sa barangay Balete, Clarisse Jane De Guzman ng Sta Rita Karsada, Anna Carres De Mesa mula sa Kumintang Ilaya, Tisha Joie Mercado ng barangay Concepcion, Anthunette Quynh Ilagan mula sa Sta Rita Karsada, Alexandra Ibanez ng barangay Pinamucan Proper, Kristine Angela Catilo buhat sa Pallocan West, Ginelle Rayos ng barangay Kumintang Ilaya,
Lovely Sarmiento mula sa Kumintang Ibaba, Lyndzy Blyss Maranan mula sa Bucal South,
Louell Angel Brinosa ng barangay Alangilan at Pauline Angeli Sumalacay ng barangay Gulod Labac.

Ayon kay Cultural Affairs Committee Vice-Chairman Eduardo Borbon, ito ang ika-31 taong pagtatanghal ng Bb Lungsod ng Batangas na nagsimula noong panahon ni dating Punonglungsod Eduardo Dimacuha.

Sa ginanap ng press conference sa Batangas City Convention Center, isa sa mga isyung ibinato sa mga kandidata ay kung ano ang kanilang suhestyon para sa responsableng paggamit ng social media. Ayon kina Anthunette Quynh Ilagan at Louell Angel Brinosa, dapat magsimula sa sarili ang pagiging responsableng social media netizen

Ilan naman sa kanilang magiging advocacy kung sakaling papalaring manalo ay ang pagsusulong sa pangangalaga sa kalikasan, women empowerment at disaster preparedness and awareness.

Naging early favorites ng mga lokal na mamamahayag sina contestant number # 1 Myzel Angelu Milagrosa, #6 Maria Angela Claveria, # 11 Anna Carres De Mesa, #13 Anthunette Quynh Ilagan at # 16 Ginelle Rayos.

Ang Coronation Night ay gaganapin sa gabi ng January 15 kung saan magtatanghal ang mga kilalang movie at television personalities.