Online environmental monitoring system ipapatupad ng City ENRO

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

Madali ng malalaman ngayon ng City Environment and Natural Resources Office (ENRO) and mga emissions, pollutants at iba pang environmental issues ng mga industriya, business establishments at barangay sa pamamagitan ng Online Environmental Monitoring System.

Nagsagawa ng orientation training ang City ENRO tungkol sa Online Environmental Monitoring System, December 10, sa Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) kung saan dumalo ang mga barangay officials at mga kinatawan ng mga industriya at business establishments.

Ito ay isang innovation ng city government para sa mas mabilis at paperless na pagsusumite ng Self Monitoring Report (SMR) na required quarterly ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) mula sa lahat mga industriya at business establishments at Wastes Analysis Characterization Study (WACS) na dapat namang maisumite ng mga barangay kada anim na buwan sa DENR at CENRO.

Tanging ang Batangas City government pa lamang ang gagamit ng online system na ito kung saan ang registered users ng business establishments, industriya at barangay ay kailangang mag log in sa enromonitors.com.

Binigyang diin ni CENRO Officer Oliver Gonzales na ang lahat ng report ay confidential at tanging ang business establishment at ang CENRO bilang account administrator lamang ang may access sa nasabing report. Ang format ng form na gagamitin sa online monitoring ay kapareho pa rin ng forms na ginagamit sa SMR sa kasalukuyan.

Layunin ng CENRO na mabilis na ma monitor ng CENRO ang environmental practices, situation at mga emissions ng mga business establishments at industries, at ang WACS ng mga barangay sa lungsod at para mabigyan ng agarang solusyon sakaling may makikitang problema.

“Magkakaroon ng mentoring o coaching sa paggamit ng online system para higit na maituro at masanay ang mga registered users sa paggamit nito,” dagdag pa ni Gonzales.

Naging tagapagsalita dito sina Dino Cavestany, consultant ng onine system at si Maria Teresa Artuz, Science Specialist II, Department of Science and Technology (DOST). (PIO Batangas City)