Update sa bagyong Tisoy

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg

Ayon sa Incident Management Team (IMT) na binuo ng pamahalaang lungsod upang rumesponde sa bagyong Tisoy, ang kritikal na oras ngayong araw na ito kung saan nasa Typhoon Signal no. 3 ang Batangas City, ay sa sa pagitan ng 10:00 ng umaga-2:00 ng hapon. Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat, manatiling nasa loob ng kanilang tahanan at ihanda ang lahat ng mga kailangan.

Ayon sa huling tala, may kabuuang 654 pamilya o 3,005 indibidwal as of 9:51 am ang nasa may 18 evacuation centers at binibigyan ng serbisyo ng mga concerned agencies kagaya ng pagkain, medical check up at sinisiguro ang kanilang kaligtasan. Kabilang sa mga evacuees ang mga Badjao.

Nagbigay ng instruction ang IMT sa mga miyembrong responders nito na wala ng lalabas upang magsagawa ng operasyon sa loob ng nabanggit na kritikal na oras kung saan nasa kasagsagan ang bagyo upang maseguro rin ang kanilang kaligtasan.