CDRRMC, nagsanay sa pangangasiwa ng patay at nawawala sa panahon ng kalamidad

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg

BATANGAS CITY- Sumailalalim ang City Disaster Risk Reductoin and Management Councii (CDRRMC) sa isang training ng Philppine Red Cross Batangas Chapter tungkol sa Management of the Dead and Missing (MDM), November 28, sa Teachers Conference Center.

Sa ilalim ng National Disaster Response Plan (NDRP), ang DILG ang in charge sa MDM at siyang nag bibigay ng accurate information sa mga media tungkol sa mga nagaganap sa pnahon ng kalamidad. Kaya naman ibinaba ng DILG ang training course na ito sa mga LGUs katuwang ang Philippine Red Cross.

Ayon kay Joseph Sebuc ng Red Cross, hindi pa mulat ang mga LGUs sa pagma manage ng mga namatay sa isang kalamidad. “Kahit patay ay may karapatan din na igalang, ipaalam sa mga naulila ang kanyang pagkamatay at maibalik siya sa kanyang pamilya.”

Itinuro sa kanila ang retrieval operation hanggang sa tamang proseso ng identification ng patay, pagtulong sa mga naiwang pamilya, unified disaster response, pangangasiwa ng patay, at putting closure.

Sumailalim din ang participants sa simulation ng mga natutunan sa training upang mai apply ito sa tunay na sitwasyon.

Ang mga nagsanay ang siyang gagabay at mag tuturo sa mga responders at frontlines ng LGU at barangay upang ibayong mapalakas ang kahandaan. (PIO Batangas City)