Seal of Good Local Governance iginawad sa 8 barangay ng Batangas City

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg

Pinarangalan ng Sangguniang Panlungsod ang walong barangay na ginawaran ng Department of Interior and Local Government (DILG) ng Seal of of Good Local Governance (SGLG) for Barangay sa kanilang regular session , November 11.

Ang mga barangaym na ito ay ang Ilijan, Talumpok Silangan at Kanluran, Bolbok, Dumuclay, Talahib Pandayan, Poblacion 6 at Poblacion 9.

Kagaya ng ibang mga local government units, ang SGLG para sa barangay ay iginagawad kapag nakapasa ito sa mga core areas kagaya ng peace and order, financial administration, disaster preparedness, social protection, business friendliness and competitiveness at environmental management.

Ilan sa mga kwalipikasyon ng walong barangay na binigyan ng puntos ay ang pagkakaroon ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council, programa sa pagaangat ng mga kababaihan, kaayusan at kaligtasan at pagiging drug-free.

Sinabi ni Vice Mayor Jun Berberabe sa walong barangay, “ang tagumpay ninyo ay tagumpay ng buong Batangas City” ng igawad sa kanila ang sertipiko ng pagkilala ng konseho.

Isang resolusyon din na akda ni Konsehal Jun Gamboa ang ipinasa na bumabati at kinikilala sila sa pagiging katangitanging barangay na naging dahilan kung kayat sila ay ginawaran ng SGLG para sa Barangay. (PIO Batangas City)