Elementary boy scouts nagsanay sa pagiging mabuting lider

  1.jpg 10.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

BATANGAS CITY- Sumailalim sa dalawang araw na pagsasanay ang 345 boy scouts ng public elementary school cluster 2, district 6-10 sa Patrol Leaders Training Course ng Boy Scouts of the Philippine Batangas City Council sa Libjo Elementary School noong Nov. 8-9.

Layunin nito na masanay ang mga boy scouts na may edad 10-12 taon na maging mabuting lider maging sa hinaharap at maging responsable sa lahat ng kanilang ginagawa.

Sinabi ni Joseph Pantoja, CML course leader, na sa pamamagitan ng training na ito, tinuturan ang mga boy scouts kung ano ang gagawin halimbawa kapag nawalan ng kuryente, nagkaroon ng aksidente at iba pang emergency kung saan kailangang may alam sa first aid, bandaging at iba pa. Tuturuan sila ng “back to basic” kagaya ng knot tyng tent pitching, bandaging, flag folding, camp fire, physical fitness at iba pa.

“Alam natin na maraming mga tukso sa paligid kagaya ng mga gadgets na ninanakaw ang oras ng mga kabataan sa halip na maging produktibo o gumawa ng mga makabuluhang bagay na makakatulong sa kanlang buhay ,” sabi ni Pantoja patungkol sa mga kabataan.

“Kahit hindi nakikita ng mga magulang kung ano ang kanilang ginagawa sa training, pag dating sa bahay makikita nila ang malaking pagbabagong naidulot at implwensiya ng ganitong training sa kanilang mga anak,” dagdag pa niya.