SP, ABC at SK nagdiwang ng kanilang first 100 Days ng panunungkulan

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 22.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Masayang ipinagdiwang ni Vice Mayor Jun Berberabe, mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod (SP), Association of Barangay Captains at Sangguniang Kabataana ng kanilang ika-100 Araw ng Paglilingkod .

Dumalo rito sina Mayor Beverley Rose Dimacuha at Cong. Marvey Mariño upang personal na batiin ang SP sa kanilang mga naging accomplishments at mahusay na paglilingkod at pasalamatan sila sa kanilang lubos na suporta sa mga gawain at adhikain ng dalawang lider para sa Batangas City.

Pinangunahan din nila ang unveiling ng binasbasang Wall of Excellence sa Sangguniang Panlungsod (SP) kung saan nakalagay dito ang lahat ng awards at recognitions na tinanggap ng konseho, partikular ang Award of Excellence bilang national winner sa 2018 Legislative Award na nagbigay ng malaking karangalan sa lungsod .

Nagkaroon ng photo exhibit ang bawat miyembro ng SP kung saan ipinakita ang kanilang mga accomplishments sa loob ng 100 araw, kabilang ang kanilang naging official activities, proyekto at mga resolusyong inakda.

Ang mga councilors ay sina Atty. Alyssa Cruz, Aileen Montalbo, Boy Dimacuha, Karlos Buted, Gerry dela Roca, Oliver Macatangay Nelson Chavez, Julian Villena, Nitoy Pastor, Ched Atienza, Aleth Lazarte at Junjun Gamboa.

Narito rin sina ABC President Angelito Dondon Dimacuha at SK Federation President Majoe Manalo.

Nakiisa ang mga empleyado at mga bisita sa pagdiriwang at pinagsaluhan ang masarap na handa ng mga opisina.(PIO Batangas City)