Boy scouts sumailalim sa Patrol Leaders Training Course

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg

BATANGAS CITY- Mahigit na 300 boys scouts na nasa grades 4-6 ng mga paaralan sa Districts 1-5 ang sumailalim sa pagsasanay sa Patrol Leaders Training Course, October 11-12, sa Batangas City South Elementary School kaugnay ng pagdiriwang ng scouting month.

Layunin ng pagsasanay na ito na palawigin at hasain ang kakayahan ng mga batang scouts upang maging ehemplo ng mga kabataan at lalo pang mapahusay ang kanilang paglilingkod sa paaralan, tahahan at komunidad. Sa pammagitan din ng pagssasanay na ito mahuhubog and magandang pakikipagkapwa ng mga boy scouts at maipapakita ang kanilang angking galing at talento.
Nagkaroon ng orientation/groupings tungkol sa Smartness and Good Order, practicum sa Basic Command at lecture sa Scouts Ideals-Brief History of Scouting.
Kabilang sa kanilang mga activities ang Scouts Got Talent, physical fitness, inspection and flag-up, group games, training at contests sa knot tying, bandaging, tying the halyard, tent pitching at flag folding. Hinasa rin ang kanilang galing sa obstacle couse at cooking rice in a bamboo tube,

Sinabi ni Dativa Breton, member ng training team at institutional representative ng Balete Integrated School, mahalaga ang pagsasanay na ito sa mga batang scouts dahil dito nila matutunan ang papel at responsibilidad ng isang patrol leader na gagabay at magiging magandang halimbawa sa kapwa scouts. “Kung susundin ang batas at alituntunin ng boy scouts magiging mabuti silang mamayan.”