Beauty contest idinaos sa pagdiriwang ng araw ng mga elderly

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

BATANGAS CITY-Bagamat matanda na, pwede pa ring panatiliing maganda at maayos ang sarili sa pamamagitan ng pangangalaga ng katawan at healthy lifestyle. Ito ang pinatunayan ng patimpalak na Mutya ng mga Pangunahing Mamamayan 2019 na bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng Pangunahing Mamamayang Batangueño, October 8, sa Batangas City Convention Center.

Ang pagdiriwang na may temang “Health and Productive Aging Starts with me” ay pinangasiwaan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) at ng City Council for the Elderly (CCE).

Ipinahayag ni dating Mayor Vilma Dimacuha, chairman ng CCE, ang kanyang kagalakan sapagkat nagkaroon muli ng ganitong pagdiriwang na kung saan binibigyang halaga ang mga nakatatanda na naging liwanag at gabay sa lipunan. “Tayo po ang haligi ng ating lipunan kung kayat malaking bahagi po tayo sa progreso ng ating lungsod kaya marapat lamang natin namnamin ang mga benipisyo para sa atin.”

Binigyang diin naman ni Cong. Marvey Mariño ang kahalagahan ng ganitong selebrasyon na nagbibigay pugay at pagkilala sa mga nakatatanda at sa mahalagang papel ng mga ito sa patuloy na pag-unlad ng lungsod. Aniya, patuloy niyang susuportahan ang mga programa para sa mga senior citizens.

Kabilang sa mga benepisyo ng mga senior citizens sa lungsod ay ang libreng sine at ang libreng pagpapagamot sa OSCA kung saan may nakatalagang duktor. May mga programa rin ang CSWDO kagaya ng education sa disability prevention, self and social enhancement, at iba pa.

Kinilala na Mutya ng Pangunahing Mamamayan 2019 at Best in Gown si Doña Esther Luansing Elepaño ng Barangay 21; 1st runner-up, Best Production Number at Ms. Congeniality si Miriam Catapang ng Tingga Labac; 2nd runner-up si Teodora Bagon ng Barangay Dalig, 3rd runner-up at Ms. Photogenic si Arsenia Dimaano ng Calicanto; 4th runner-up si Cristina Garcia ng Malitam at 5th runner- up si Anesia Macatangay ng Banaba West.

Nagtanghal ng cultural numbers ang Likhang sining Dance Company ng Marian Learning Center and Science High School at ang CCE BOD. LIZA PEREZ DE LOS REYEZ /PIO Batangas City