Mahigit P900, 000 nalikom ng Alay lakad

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 22.jpg 23.jpg 24.jpg 25.jpg 26.jpg 27.jpg 28.jpg 29.jpg 3.jpg 30.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

BATANGAS CITY- Nakalikom ng mahigit P900,000 ang Alay-Lakad na ginanap ngayong Biyernes, October 4, kung saan may 3,000 katao mula sa ibat- ibang sektor ang lumahok.

Ala sais ng umaga nagtipon ang mga participants sa Laurel Park at naglakad bandang 6:30 patungong P. Burgos, Rizal Avenue papuntang Batangas City Sports Coliseum kung saan ginanap ang programa. Kabilang dito ang mga city government employees, barangay officials, kapulisan, estudyante, guro, mga kinatawan ng Department of Education at business sector.

Ang taunang Alay Lakad ay joint project ng local government at private sector na naglalayong magkaloob ng financial assistance para sa edukasyon ng mga out- of- school youth at yuong mga kapos palad.

Ayon sa Alay Lakad Foundation, ang kanilang scholars sa kasalukuyan ay kinabibilangan ng 14 na senior high school students, walong persons with disabilities, 19 college students kung saan walo dito ang nagtapos ngayon 2019 at apat ang full scholars. Tumutulong din ang Alay Lakad sa iba pang youth development projects ng lungsod.

Isa sa mga full scholars si Abigail Hazel Gutierrez ng Kumintang Ilaya, na kumukuha ng kursong Bachelor of Elementary Education sa St. Bridget College. “Malaking tulong ito sa akin lalo na po sa pamilya ko dahil hikahos po ang aming buhay at kung hindi dahil sa scholarship na ito hindi ako makakapag-aral. Sa ngayon po ako ay nasa 2nd year college at sisikapin ko po na makapag-tapos ako ng pag aaral upang matulungan ko ang aking pamilya.”

Binati ni Mayor Beverley Rose Dimacuha ang Alay Lakad dahilan sa ginagawa nito para sa kinabukasan ng mga kabataan sa lungsod.

Sinabi naman ni Cong. Marvey Mariño na ang Alay Lakad ay pagpapatunay ng pagkakaisa ng mga mamamayan sa pagsuporta sa gawaing ito upang makatulong sa maraming out-of-school youth at iba pang kabataang nangangailangan.

May siyam na naggagandahang dilag ang lumahok sa Ms. Alay Lakad 2019 kung saan nanalo si Mikka Ella Ducos Lualhati na kinatawan ng Department of Education; 1st runner- up si Allyah Lei Mondigo ng University of Batangas; at 2nd runner- up si Alyssa Marie Marasigan ng Child Development Worker Assciation.

Pinasalamatan naman ni Alan De La Torre, chairman ng Alay Lakad, ang mga sumuporta sa gawaing ito lalo na yuong mga naging top contributors noong 2018. (PIO Batangas City)