TESDA ipinagdiriwang ang 25th anniversary

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg

Nakikiisa ang Technical Education Skills Development Authority (TESDA), Batangas sa pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng ahensya simula, August 19 hanggang 25, 2019 sa pamamagitan ng iba’t ibang gawain katuwang ang ilang mga paaralan at iba pang ahensya ng pamahalaan.

Ang selebrasyon sa Batangas na may temang Fiestahan sa TESDA ay inumpisahan sa pamamagitan ng maiksing programa kung saan ipinaabot ni TESDA Batangas Provinicial Director, Rhosalie Amazona ang pagbati sa mga empleyado at mag-aaral ng TESDA at ang malugod na pagtanggap sa mga bisita kabilang ang mga kinatawan mula sa katuwang na local government units at institusyon.

Naging bahagi rin nito ang agri-food display na ipinakita ang mga food preserved products at mga gulay. Mayroon ding palarong Pinoy tulad ng pabitin, sack race, hampas palayok at iba at tugtugan.

Sa mga susunod na araw ay isasagawa naman ang 2019 TESDA Sports Fest, Youth Seminar at ang 2019 World Café’ of Opportunities (WCO) sa August 23, sa University of Batangas na siyang tampok na gawain sa isang linggong pagdiriwang.

Ang WCO ay ang Job Linkaging and Networking Services (JoliNS) ng TESDA na naghahatid ng “One-Stop-Shop” job opportunities para sa mga naghahanap ng trabaho. Inaasahang may 30 local at international companies at mahigit sa 1000 TESDA graduates ang makikilahok dito.

Magbibigay din ng kanilang serbisyo ang iba pang ahensya ng pamahalaan kagaya ng Social Security System (SSS) Pag-Ibig, National Bureau of Investigation at Philhealth.

Ayon kay PD Amazona “prayoridad ng TESDA ang skills matching para matiyak ang employment ng mga graduates sa mga kumpanya at industriya. “ Aniya, naiibigay ng kanilang ahensya ang mga trainings na kailangan ng mga industries.

Naka focus din ang TESDA sa mga livelihood program for self-employment tulad ng pagtuturo ng food processing, organic farming at iba pang programa para sa agri-fishery sector at hard trade trainings kagaya ng plumbing, automototive, welding at iba pa. (PIO Batangas City)