Mga aero clubs lumahok sa Grand Zumba Dance

BATANGAS CITY- Bandang 5:00 ng umaga, kahit umaambon, ay nagsama samang lumahok ang mga aerobic clubs sa Grand Zumba Dance sa Plaza Maibni 2019 kung saan ito ay pinanood ng mga city officials sa pangunguna nila Mayor Beverley Rose Dimacuha at Cong. Marvey Mariño.

Ang pagsasayaw ng zumba ay sinusuportahan ni Mayor Dimacuha bilang isang advocacy sa pagkakaroon ng healthy lifestyle.

Ang mga grupong lumahok dito ay ang Plaza Jammers, Indak Kababaihan, Kalipunan ng Lipi Pilina (KALIPI), Plaza Mabini Aero Club at Barako Fitness Group.

Lumahok din dito ang ilang city officials, Batangas City Police at Bureau of Jail Management and Penology sa rehiyon.

Sinabi ni Mayor Beverley Rose Dimacuha na laking tuwa niya dahil nikita niya ang pagkakaisa ng bawat grupo sa pag sayaw. “Kay gandang pagmasdan kung ang bawat kababaihan at kalalakihan sa lungsod ay nakikitang nagsasama-samang nasasayaw upang makahikayat pa sa iba na mag ehersisyo araw-araw dahil makakatulong ito upang mapanatili nila ang malusog na pangangatawan at pag iisip.”

Binigyan ng Mayor ng sertipiko ng pagkilala ang bawat grupo na lumahok sa okasyong ito. (/PIO Batangas City)

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 22.jpg 23.jpg 24.jpg 25.jpg 26.jpg 27.jpg 28.jpg 3.jpg 36.jpg 37.jpg 38.jpg 39.jpg 4.jpg 40.jpg 41.jpg 42.jpg 43.jpg 44.jpg 45.jpg 46.jpg 47.jpg 48.jpg 49.jpg 5.jpg 50.jpg 51.jpg 52.jpg 53.jpg 54.jpg 55.jpg 56.jpg 57.jpg 58.jpg 59.jpg 6.jpg 60.jpg 61.jpg 62.jpg 62.png 63.jpg 63.png 64.jpg 64.png 65.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg