Summer art workshop ng City Library kinagigiliwan ng mga bata

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg

Ang summer vacation ay hindi lamang pahinga sa mga school work , pwede rin itong maging pagkakataon upang matuto ang mga bata ng mga skills partikular sa arts kaya naman ang pangangailangang ito ang tinutugunan ng City Library sa pamamagitan ng Summer Art Workshop na libre nitong isinasagawa taon taon.

May 37 mga bata edad pito hanggang 9 taong gulang ang sumailalim ng naturang workshop sa loob ng isang buwan mula April 8.

Sila ay tinuruan ng staff ng City Library sa iba’t ibang uri ng sining tulad ng drawing/coloring, painting, paper folding (origami), storytelling, singing at dancing. Nahuhubog at naipapakita ng mga bata ang kanilang talento sa sining sa pamamagitan ng mga activities na ito.

Naghahanda na ang mga bata sa culminating activity ng workshop sa May 10 sa Amphitheatre ng Plaza Mabini. (PIO Batangas City)