Job fair bilang paggunita sa Labor Day idinaos

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

My 591 aplikante ang sumubok na matanggap sa trabaho sa job fair ng Public Employment and Service Office (PESO) noong May 4 sa Batangas City Sports Coliseum kung saan may 28 na local at 12 international companies ang lumahok. Ito ay bilang paggunita sa Labor Day noong May 1.

Ito ang ikatlong job fair ng PESO ngayong taon kung saan 65 aplikante ang hired on the spot. Ang mga local jobs na iniaalok ay ang secretary, production operators at office staff habang mga skilled workers naman ang sa overseas.

Naririto rin ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) upang makapag bigay ng impormasyon at mag alok ng special trainings para sa mga nagnanais matuto ng trabahong aangkop para sakanila. Nagbigay din ito ng libreng masahe, manicure at pedicure sa mga nais makinabang sa mga serbisyong ito.

Ayon kay Maeann San Juan na taga Brgy. Balagtas, first time nyang makapag apply sa job fair ng lungsod at kung siya ay matatanggap sa trabaho dito sa Batangas City, malaking alwan ito sa kanya dahilan sa Sto. Tomas pa siya nagtatrabaho.

Taon-taon ,anim na beses nagdadaos ng Job fair ang PESO kung saan una itong gina ganap tuwing Enero, Marso para sa mga Senior High School students at Mayo . Araw araw ding mayroong Local Recruitment Activity (LRA) at Special Recruitment Activity (SRA) sa PESO. (Jeanette L. Reyes/OJT PIO)