Farmers Training Program ng SM Foundation inilunsad sa isang barangay

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg


BATANGAS CITY-May 170 beneficiaries kabilang ang mga magsasaka, ilang miyembro ng Kalipi na samahan ng mga kababaihan, mga tumatanggap ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps at ilang mga residente ng barangay Pinamucan Ibaba ang makikinabang sa Kabalikat sa Kabuhayan (KSK) Rural and Urban Famers Training Program ng SM Foundation.

Ang naturang programa ay nagsimula noong 2007 sa pamamagitan ni SM Group Founder na si Mr. Henry Sy, Sr. na naghangad ng isang sustainable project na magtataas ng antas ng pamumuhay ng mga maliliit na magsasaka.

Nakipagtuwang ang KSK Farmers Training Program sa Dept. of Agriculture, Dept. of Social Welfare and Development, Harbest Agribusiness, Macondray Philippines, local government units, non government oprganizations at people’s organizations upang makapagbuo ng isang “holistic training” na maghahanda sa mga beneficiaries na maging epektibong negosyante para sa “agriculture sustainability and food security”.

Inilunsad ang programa sa Pinamucan Ibaba noong March 20 kung saan nagsagawa ng orientation sa mga beneficiaries tungkol sa KSK.

Ang mga beneficiaries ay magsasanay sa ilalim ng Harbest Agribusiness sa loob ng 12 linggo tuwing araw ng Biyernes mula March 29 hanggang June 19, 2019

Ang mga participants ay sasailalim sa comprehensive course sa produksyon ng organic high-value crops upang maranasan nila ang “actual challenges” ng organic farming. Kabilang din sa pagsasanay ang Social Preparation, Values Formation at Capacity Building; Financial Literacy in developing the financial management skills of the participants; Accounting for Non-Accountant Workshop; Sustainability Workshop; Presentation of Sustainability Plans, Harvest Festival and Culinary Exhibit, Market Tour and Gradution at Post Project Sustainability Plan Monitoring Activities.

Ang Gawad awardee sa Gawad Saka 2013 na si Monte Manalo ng naturang barangay ang land owner/cooperator ng 5,000 sq.m- lot na tataniman ng mga beneficiaries ng iba’t ibang gulay at prutas.

Ayon kay Dr. Macario Hornilla, hepe ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS), hinihikayat niya ang lahat ng participants na i apply ang mga matututunan sa pagsasanay sa kani-kanilang bukid at maging sa mga bakuran. May mga libre namang seedlings na ipinamamahagi ang OCVAS bilang suporta sa programa aniya.

Naging panauhin din sina Kathleen Agbannawag ng SM Foundation, Inc., na tinalakay ang Project Overview, SM City Batangas Mall Manager Gemina Buenaflor, Gilda Godoy ng City Planning and Develpment Office,Marivel Santos Executive Assistant for Womens Office of the City Mayor, CSWD Head Mila Española, Pangulong Ruel Arce at Guilbert Pagsinuhin, field instructor ng Herbest Agribusiness Corp.