Batangas City Police binigyang pugay ang mga kababaihan

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

BATANGAS CITY- Binigyang pugay ng Batangas City Police ang mga kababaihan sa pagdiriwang ng Women’s Month sa pamamagitan ng pagsasagawa ng poster making contest kung saan nagpagalingan ang mga lumahok na labing pitong babaeng high school students sa paglalarawan ng papel ng kababaihan sa lipunan ngayon.

Ang contest na ginanap noong March 19 sa conference room ng police station ay may temang “We Make Change Work for Women”.

Sa kanyang mensahe sa mga lumahok na high school students, binigyang diin ni Batangas City PNP chief, PSupt. Sancho Celedio na hindi dapat maengganyo ang mga kabataan na lumahok sa mga militanteng grupo upang huwag makumbinseng mag aklas laban sa pamahalaan. Pinayuhan din niya ang mga ito na umiwas sa illegal na droga upang huwag masira ang kinabukasan.

Binigyan ng kaukulang oras ang bawat kalahok na itanghal at ipaliwanag ang kanilang obra sa harap ng mga hurado na sina PSUPT. Celedio, SPO4 Ragemer Hermidilla, SPO4 Ranie. Macatangay, SPO3 Nena Garcia at ang representative ng Public Information Office na si Ronna Contreras.

Nagwagi ng 1st place si Lovely Pagcaliwagan ng Alangilan Senior High School kung saan ipinakita niya ang papel ng mga kababaihan bilang ina ng tahanan at bilang matagumpay na professionals sa iba’t ibang larangan.

Second place si Christal Alvarez ng Batangas National High School at third si Louise Angela Manalo ng Paharang National High School. (Jeanette L. Reyes OJT-PIO Batangas City / Photo by: Sergio Jefferson B. Azul OJT-PIO Batangas City)