Nanalong Ms. Talent nagpakita ng galing sa modern jazz dance

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg

Isang 20 year old, 3rd year Tourism student ng Lyceum of the Philippines University-Batangas ang tinanghal na Ms. Talent sa Talent Competition ng Bb. Lungsod ng Batangas 2019 dahilan sa kanyang mahusay na performance ng modern jazz production number. Siya ay si Rica Angelica Adarlo ng barangay Dalig.

Iba’t-ibang uri ng sayaw ang ipinamalas ng mga kandidata tulad ng folk dance kagaya ng binasuan, ballroom, gymnast acrobat, modern, contemporary at interpretative dance.

Napiling Ms Photogenic si Elisha Joi Serran ng barangay Mahabang Parang, Ms Friendship si Jainil Corpus ng barangay 2 at Ms Luminous Glow si Corinne Luidee Delgado ng barangay Alangilan. Siya din ang nanalo bilang Bb Lungsod ng Batangas Charity dahilan sa siya ang may pinakamaraming tiket na naibenta para sa Talent Show.

Ayon sa Cultural Affairs Committee, ang halagang nalikom sa naturang kompetisyon ay ipagkakaloob sa Badjao community sa lungsod.

Nagwaging Bb Makakalikasan si Reiny Rose Aquino sa Question and Answer hinggil sa kapaligiran. Bilang isang guro aniya ay iimpluwensyahan niya ang kanyang mga estudyante at lahat ng kabataan na maging disiplinado partikular sa pagbubukod bukod ng basura at pagtatanim ng puno upang hindi maranansan ng lungsod ang mga pagbahang naganap sa ibang lugar sa bansa.

Kokoranahan sa ika-15 ng Enero sa Batangas City Sports Coliseum ang magwawaging Bb Lungsod ng Batangas 2019. Ang pageant night ay tatampukan ng mga sikat na artista sa telebisyon na sina Jericho Rosales at Yen Santos ng teleseryeng Halik at ang on and off screen loveteam na sina Inigo Pascual at Maris Racal. Aliw naman ang ihahatid ng komedyanteng si Wacky Kiray.