Batangas City finalist sa National Gawad Kalasag

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

Isa ang Batangas City sa mga finalists sa 20th National Gawad Kalasag ng Office of the Civil Defense kung saan binibigyang pagkilala ang mga local government units na may natatanging city/municipal disaster risk reduction and management councils.

Kasunod ito ng pagkanalo ng back-to-back first place ng Batangas City DRRMC sa Gawad Kalasag sa Region 1V-A noong August 31.

Tinanggap ng delegasyon ng Batangas City ang citation sa awarding ceremony, December 4, sa AFP Theater, Camp Aguinaldo., Quezon City. Kabilang sa delegasyon sila Mayor Beverley Rose Dimacuha, City Social Welfare and Development Officer Nila Española, CDRRMO chief Rod de la Roca at iba pang kinatawan ng lungsod.

Muli ring naging finalist ang Barangay San Isidro Child Development Center na tumanggap ng citation bilang natatanging Early Learning Center. Special Recognition for Group Category naman ang iginawad sa Team SIGAW ng Batangas State University para sa kanilang imbensyon na tsunami early warning system. (PIO Batangas City)