Training sa Basic Geographic Information System para sa disaster preparedness isinagawa

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg

Halos 30 barangay officials, Sangguniang Kabataan officials at ilang residente ng Solid East at apat na barangay sa poblacion ang sumailalim sa pagsasanay sa Basic Geographic Information System (BGIS) ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) upang sa pamamagitan nito ay madaling matukoy ang mga lugar sa hazard map ng Lungsod .

Ang BGIS ay isang system na dinisenyo upang ma capture, store, manipulate, analyse, manage at ma present ang lahat ng uri ng geographical data.

Ayon sa mga trainers na sina Prances Generoso at John Philip Serrano ng Research and Planning section ng CDRRMO, ang kahalagahan ng BGIS ay “upang matukoy ang mga evacuation routes, pick up points, landmark at disaster plans sa pamamagitan ng paglolocate nito sa computer.”

Sinabi naman ni Jerick Czar Atienza ng CDRRMO na dapat ay computer literate ang sasailalaim sa workshop na ito dahil gumagamit ng thematic mapping gamit ang quantum geographic information system o QGIS at pagkuha ng datos gamit ang global positioning system o GPS.

May apat na batches ang workshop na ito na isinagawa noong Nov. 6-8 at Nov. 12-14 at isasagawa pa sa Nov. 19-21 at Nov. 26-28.

Ang mga barangay ng Solid East ay binubuo ng Bilogo, Catandala, Dalig, Dumantay, Gulod Itaas, Gulo Labac, Maapaz, Mahacot East at West, Paharang East at West, Pallocan East at West, Sampaga, San Jose Sico, San Pedro, Talumpok East at Tulo. (PIO Batangas City)