150 scholar’s nagtapos sa vocational courses

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg

BATANGAS CITY- May 150 scholars ni Cong. Marvey Marino ang nagtapos ng ibat ibang vocational/technical courses sa pakikipag-uganayan sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ginanap ang graduation ceremony sa Function Hall ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS), November 9. Kabilang sa mga kursong tinapos ng mga scholars ay ang welding, bread making, flower arrangement, pipe fitting, sewer, cosmetology at cookery.

Ayon kay Cong. Marino, magkatuwang sila ni Mayor Beverley Dimacuha sa pagtulong sa mga karapatdapat na indibidwal na magkaroon ng scholarship sa mga kursong maghahanda sa kanila upang magkaroon ng hanapbuhay sa mga industriya o kompanya sa lungsod. Nakikipag-ugnayan siya sa TESDA at mga service providers na magbibigay ng skills training sa mga scholars. “Lahat ng kurso na inihanda namin sa inyong papasukan ay magbibigay ng tamang training na inyong pakikinabangan para makahanap ng magandang trabaho at makamit ninyo ang inyong pangarap,” sabi ni Marino. Ang mga scholar’s ay binibigyan din ng allowance sa kanilang pag-aaral.

Sinabi naman ni Dorie Gutierez ng TESDA na puspusan ang kanilang pakikipag ugnayan sa mga local government units at mga institusyon ng pag sasanay upang maihanda ang mga estudyante sa mga prayoridad na trabaho at sa mga industriyang tulad ng turismo, business process outsourcing, health at construction. Aniya, gawain nilang tingnan ang pangangailangan ng mga kabataan upang maging produktibo at magkaroon ng hanap buhay.

Kabilang sa mga service providers na naging katuwang ng TESDA ay ang Cristo Rei Institute for Career Development Inc, Concept Institute for Career Enhancement Center Inc., Marian Learning Center and Science High School, Rubix Manpower Training Center, Scientia Vox Mantrade Training Center at Western Batangas and Assessment Center. (PIO Batangas City)