Barangay officials sumailalim sa seminar sa barangay administration

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg

BATANGAS CITY- Sumailalim sa tatlong araw na seminar tungkol sa Barangay Governance and Administration ang mga barangay chairmen, Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan chairpersons mula sa first batch ng 35 barangays noong September 4-6, 2018 sa Batangas City Convention Center.

Ang mga mga barangay na lumahok ay kinabibilangan ng Poblacion, Kumintang Ibaba at Ilaya, Sta Rita Karsada at Aplaya, Calicanto, Bolbok, Alangilan, Cuta, Wawa, Sta Clara at Malitam.

Ayon kay Mylene Follero, local government operations officer 2 ng City Department of Interior and Local Govrnment (DILG), layunin ng seminar na ito na mabigyan ng kaalaman ang mga barangay officials lalo na ang mga bagong halal tungkol sa mahusay na pamamahala ng kanilang barangay at ang mga dapat nilang gawin alinsunod sa mga programa at proyektong ipinatutupad ng pamahalaang nasyonal at lokal.

Ito rin ay pagpapatupad ng BNEO for GREAT o Barangay Newly Elected Officials for Grassroots Renewal and Empowerment for Accountable and Transparent (GREAT) barangay upang mapalakas ang mga bagong halal na barangay officials sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng kaalaman na makakatulong sa kanilang maunawaan at makamit ang epektibong pagtupad sa kanilang tugkulin.

Naging resource speakers sina Follero tungkol sa Duties and Functions of Administrative Governance; Councilor Alyssa Cruz - Barangay Legislation; Fiscal Rita Gonzales- Katarungang Pambarangay at Violence Against Women and Children law, Armie Madayad—Accounting and Auditing; Flora Andal- Barangay Budget; Eric Sanohan- Public Ethics.

Tinalakay din dito ang Ensuring Smooth Transition, Barangay Development Plan and Barangay Capacity Development- Based Institution, Business-Friendly and Competitive LGUs, Environment Protective and Disaster Resilient LGUs, Socially Protective and Safe LGUs, Transparent, Accountable, Participative and Effective LGUs at Enhancing Barangay Performance.

Hinimok ng DILG na i promote din sa mga barangay ang disaster resilience and climate change adaptation, peace and order, economic competitiveness at fighting corruption. Nire require din nila sa bawat barangay captain na mag sumite ng BAGAD o Barangay Agenda for Governance and Development, isang action plan kung saan nakapaloob ang kanilang naging programa at proyekto sa unang 100 days ng kanilang panunungkulan. (PIO Batangas City)