Residente ng 17 barangay nag donate ng dugo

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

BATANGAS CITY- May 500 residente ng Solid East Barangay sa Batangas City ang nagbigay ng kanilang dugo sa blood letting activity ng City Health Office (CHO) at ng Rural Health Unit 6 (RHO) sa covered court ng Pallocan West noong September 10 kung saan may 225,000 cc ng dugo ang nakolekta.

Ang programa ay may tema na “Save Blood, Transfusion is your Birth Right, Donation is your Duty” na naglalayong matulungan ang mga taong nangangailangan o mangangailangan ng dugo sa lungsod.

Katuwang dito ang Batangas Medical Center kung saan dito dadalhin ang nakuhang dugo para ma examine at ibigay sa mga pasyenteng mangangailangan ng dugo. Ayon kay Liceria Garcia, nurse II ng CHO, “ang paghahandog ng dugo ay isang kabayanihan dahil sa bawat patak ng dugo na kanilang inialay ay may mga buhay na masasagip kaya huwag panghinayangan ang dugo na mababawas sa kanilang katawan dahil mabilis itong mapapalitan ng mismong katawan ng mga taong nag-alay ng dugo. Mainam ito sa mga donor’s kasi nakatulong na sila, nakakaganda pa ito sa sistema ng katawan nila.”

Ayon kay Johny Navarte, Galloner awardee, 48 taon gulang at naninirahan sa Barangay Dumantay, pang labing-isa beses niya ito na mag donate ng dugo. Aniya ang pag kakaloob ng dugo ay hindi kabawasan sa sinuman nagbibigay nito. “Para sa akin, mas nakakabuti pa nga sa katawan ko na mabawasan ang dugo ko dahil sa loob lang ng ilang minuto ay napapalitan agad ng bago dugo. Mabuti ito dahil nakakaiwas ako sa mga sakit tulad ng pigsa, tigdas, bulutong tubig at iba pang sakit sa balat. Nakakapag paganda pa rin ito ng kutis at nakakatulong pa sa kapwa,” sabi niya. (PIO Batangas City)