Kab scouts nagpakita ng kanilang talento sa That’s My KAB Scout 2018

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Nagpatalbugan sa talento at galing ang mga boy scouts ng BSP Batangas City Council sa ginanap na That’s My KAB Scout 2018 noong September 8 sa Batangas City Convention Center.

Bukod sa pagpapakita ng kanilang mga talento, ipinakita rin nila ang husay sa pagdadala ng damit kagaya ng Barong Tagalog at Kab Scout uniform. Sumalang din sila sa question and answer kung saan sinubukan ang kanilang kaalaman sa boy scouting at current events. Tinanghal na That’s My KAB Scout 2018 si Richard Wentworth V. Rivera ng Batangas City South Central School at kumakatawan sa District 5 sa katatapos na patimpalak nito nung September 08 sa Batangas City Convention Center.

First Runner up si Zailo M. Perez ng Soro Soro Elem. School Dist. 6, 2nd runner up si Thomas III B. Velasquez ng Concepcion ES District 3, 3rd runner up si Charles Yuri H. Andal ng JAPMES District 2 at 4th runner up si Justine Jacob A. Echano ng Kumintang ES District 6.

Nauna rito, isinagawa ang group modern dance competition sa Kid Pasiklab at KABsayahan.

Naging panauhing pandangal sina Manolo Perlada na kumatawan kay Mayor Beverley Rose Dimacuha at Eddie Boy Caringal na kinatawan naman ni Cong. Marvey Mariño.

Tinanghal na KID Pasiklab champion ang Batangas City East ES, 1ST runner up ang Balete ES at 2nd runner up ang Sta. Clara ES. Nanalong KABsayahan champion ang Malitam ES, 1st runner ang Libjo ES at 2nd runner up ang Alangilan Central ES.

Ang mga nagwagi ay nakatakdang lumaban sa regional finals sa September 14-15 sa Sta. Rosa City, Laguna. (PIO Batangas City)