Sico Jail nananatiling drug-free

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

Muli ay walang nakitang ilegal na droga, paraphernalia o anumang ilegal na kontrabando sa surprise and joint greyhound operation ng Batangas City Police at Bureau of Jail Management and Penology sa San Jose Sico Jail kaninang umaga.

Ang team ay binubuo nina P/CINSP APOLINARIO PALOMENO, Operationss Officer, SPO3 Lucio Malabanan Jr., PNP-SWAT and SPO2 Ramil De Chavez, Team Leader FTP Recruits, and BJMP Personnel led by JSUPT LORENZO V. REYES, City Warden.

Layunin ng gawaing ito na magsagawa ng search operation sa 12 selda ng bilangguan upang makita ang posibleng taguan ng mga illegal items kagaya ng improvised/potential weapons at makumpiska ang mga ito upang maseguro ang “clean cells”.

Sinimulan ang search mula 8:00 hanggang 10:00 ng umaga kung saan nakuha ang mga tinatawag na assorted nuisance contraband kagaya ng 16 pcs metal spoon, 16 pcs ball pen, 6 pcs shaver,5 pcs nail cutters,4 pcs caps,4 pcs mirrors,3 pcs extension wire,2 pcs cups at 1 piraso ng lighter.

Wala ding napaulat na untoward incident. (PIO Batangas City)