Pagpapalakas ng kahandaan ng mga barangay sa kalamidad tinalakay

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

BATANGAS CITY- Nagkaroon ng pagpupulong ang City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) ngayong July 12 sa lahat ng mga barangay officials at ang kanilang barangay disaster coordinators hinggil sa mga dapat nilang gawin upang mapalakas ang kanilang kahandaan sa kalamidad.

Kasama sa mga pinag-usapan ay ang re-organization ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council (BDRRMC), updating ng BDRRM plan at contingency plan, annual investment plan, monthly, quarterly at annual utilization ng DRRM Fund, clearing at declogging ng mga kanal at reporting system kung may kalamidad. Kailangan ding mailagay sa kanilang mga plano ang mga mapanganib na lugar na apektado ng mga kalamidad kagaya ng pagbaha, landslide, tsunami at storm surge.

Ayon kay Mayor Beverley Rose Dimacuha, napapanahon ang pagpupulong na ito dahilan sa ngayon ay buwan ng National Resilient Month. “Ang matutunan ninyo ngayon sa araw na ito ay magagamit ng inyong barangay kung may mga trahedya maging ito ay aksidente man o kalamidad. Sa bawat pag pa plano ay tayo ho ay magiging handa lalo na yuong nasa mga malalayong lugar,” sabi ng Mayor. (PIO Batangas City )