Isa pang mall sa lungsod binuksan

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

BATANGAS CITY Pinangunahan ni Congressman Marvey Marino ang ribbon cutting at blessing ng ika-27 branch ng Xentro Mall sa Diversion Road sa barangay Alangilan noong ika-24 ng Mayo.

Ayon kay Ryan Caroro, Head of Operation ng Xentro Malls, nagsimula ito bilang isang community mall. Ito ay pagmamay ari ni Alexander Cruz na isang businessman mula sa Marikina.

“Complete shopping experience” aniya ang maibibigay nila sa mga Batangueno upang hindi na lumuwas pa ng Maynila ang mga ito. “Perfect opportunity to veer away sa poblacion, decongest traffic at malapit sa grand terminal kung kayat napili naming itong Diversion,” , dagdag pa ni Caroro.

Ang Xentro Mall ay may 83 tenants at ilan sa mga ito ay mga bangko, appliance store, hardware, kainan at malalaking food chain tulad ng Jollibee, Shakeys at Starbucks.

Kaalinsabay ng pagbubukas ng mall ay ang pagbubukas din ng Save More Supermarket na nagbibigay ng special discounts sa kanilang mga customers.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang ilang lucky shoppers dito na magpapicture sa actor na si Carlo Aquino.

Una rito ay isang banal na misa ang isinagawa sa pangunguna nina Fr Totit Mandanas, Fr Dondon Beredo at Fr Bon Cumagon. Kaagad itong sinundan ng pagbabasbas ng mga stalls kaalinsabay ang lion and dragon dance. Nagkaroon ng mall show noong hapon ang magaling na singer actress na si Vina Morales.

Ipinaabot ni Caroro ang taos pusong pasasalamat sa mainit na pagtanggap ng mga batangueno sa pagbubukas ng Xentro Mall. (PIO Batangas City)