- Home
-
About
- General Information
- City Profile
- City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
-
Tourism
- Tourist Spots
- Tourist Information
- CAREERS
- Contact Us
CLB president kinumpirma ng SP
- Details
- Monday, 16 April 2018 - 3:20:23 PM
- Views: 5360
Pormal nang kinumpirma ng Sangguniang Panglungsod ng Batangas si Dr. Lorna L. Gappi bilang college president ng Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB) noong ika-10 ng Abril sa lingguhang sesyon nito.
Si Gappi, na nagsimulang maglingkod bilang Dean ng College of Education sa CLB noong 2016 , ay pumalit kay Dr. Raymond Arcega na siyang officer-in-charge ng paaralan.
Isang resolusyon mula sa joint committee ng Committee on Laws, Rules and Regulations at Committee on Civil Service ang ipinasa upang maging pormal ang kaniyang kumpirmasyon.
Sinabi ni Dr. Gappi na sisikapin niyang maging karapat-dapat sa kaniyang trabaho. Aniya, hindi naging madali ang kaniyang pinagdaanan para masiguro ang kaniyang posisyon.
“Ako po ay baguhan sa CLB. Ito po ay tanggap ko. Subalit handa ko pong patunayan na deserving ako sa posisyong ito. Nais ko pong pasalamatan ang lahat ng nagtiwala at nagtitiwala sa aking kakayahan. Kayo po ang aking inspirasyon sa pagganap ko ng bagong hamon sa aking teaching career,” dagdag pa ni Gappi.
Bago sa CLB, naging guro si Gappi sa ilang kilalang kolehiyo at unibersidad sa lungsod at maging sa ibang bansa. Ilan dito ay ang Batangas State University, St. Bridget College, AMA International University-Bahrain, at Daejeon Theological Seminary and College, Korea bilang guest lecturer.
Tinapos niya ang kaniyang Master’s Degree sa Dela Salle University noong 1993 at ang kaniyang Doctoral Degree sa Bicol University noong 2003.(PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
24/7 Mayor's Action Center
Hotline : 0999-222-6626
Mayor's Action Center : 786-1920
BFP Batangas City : (043) 425-7163
PNP Batangas City : 702-1974
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine
Red Cross: 0951-282-0000
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738








