Ilang mga paaralan sa Batangas City lumahok sa Pasinaya Festival

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg

Nagtanghal ang mga local talents ng Batangas City kasama ang mga performers mula sa iba’t ibang lugar sa buong Pilipinas sa katatapos na Pasinaya Open House Festival ng Cultural Center of the Philippines noong February 03 -04.

Ang Pasinaya ay nagsimula noong taong 2011 sa layuning maipakita ang ibat ibang talento sa bawat lugar sa bansa, magka kilanlan ang bawat isa at magkaroon ng matibay na bigkis ang lahat ng alagad ng sining sa lahat ng larangan.

Nagtanghal ng mga katutubong sayaw ang Likhang Sining Dance Company ng Marian Learning Center and Science High School, Indak Bambino ng Casa del Bambino Emmanuel Montessori, Diwayanis Dance Theatre at Dulaang Batangan ng Batangas State University.

Ang nasabing palabas na may temang “Pusuan ang Sining”, ay napanood sa may 13 venues sa loob at labas ng CCP. Kabilang dito ang tanghalang Aurelio Tolentino, tanghalang Francisca Reyes-Aquino, Tanghalang Amado Hernandez, Eskinita, Pedro Bukaneg atbp.

Ang mga resident performers naman tulad ng Ballet Theatre, Ballet Philippines, Bayanihan Folkdance Company, Ramon Obusan Folkloric Group, Madrigal Singers at Philharmonic Orchestra ay nagtanghal sa Tanghalang Nicanor Abelardo. (Alvin M. Remo, PIO Batangas City)